08-08-10 was the worst. I'm supposed to have my "ME" time. And that would mean being laid back, doing dvd marathon and eating a lot. That was my agenda because I know I'll be alone. But it turned out to be one of the worst days of my life.
I woke up minutes before 12 noon. And the first thing I did was look at my only fone which I left charging before I slept. Nakagawian ko nang i-charge ng ganun yung fone ko. Hindi naman siya nasisira. At first, I can't find it. Habang nakahiga, tingin sa ilalim ng unan, ng hotdog na unan at yung isa pang unan. Maliit lang ang kama, so lahat abot na abot. Ugh. Nawawala. Then tinrace ko ang cord ng charger. Nadaganan ko pala. Ok lang sa akin (yun ang akala ko). So bumangon na ako. I-tried turning it on, kaso ayaw. Then nag-agahan muna ako. Try ulit i-on. Ayaw pa din. Nuod ng ASAP onte. Tas try na naman. Ayaw talaga. Shyet! Ngayon pa nasira ang pakshet na fone ko. Ngayon pa kung kelan bawat gastos ko ay sobrang halaga! Na kahit miryenda sa labas eh titipirin ko at pagtatyagaang magutom para sa bahay na lang kumain. Kabibili ko lang ng fone na to sa Samsung Megasale nung November! 8 months palang! Haay! Hinanap ko ang warranty kaso naalala kong nilagay ko pala sa kahon na mahirap kuhanin kaya di ko na kinuha.
Kailangan ko ng fone dahil: 1) sa aking pending application, baka may update; 2) baka may tumawag na mangailangan ng serbisyo ko bilang PT, kelangan ko ng pera!; 3) may kailangan akong gawin sa bago kong org, may event pa naman next sunday; 4) wala akong kontak sa mundo dahil kaka-deactivate ko lang ng facebook account ko, palagi na lang kasi akong nakababad dun tapos minsan nagiging source ko ng anxiety kaya ganun ang ginawa ko; at huli 5) hindi ko alam kung kailan babalik ang magulang ko at wala kaming ibang way of communication kundi cellphone.
No choice na ako kaya kelangan ko talagang ipaayos. Dahil kung hindi, baka mawala lahat ng pagkakataon. Kaya binawasan ko ng 1,500 ang super budgeted budget ko for the next two weeks. Iniisip ko, battery ang problem at baka na-overcharge lang. Bibili na lang ako ng tipong class A.
Around 2pm, umalis na ako papuntang Makati Square. I went inside a "trusted" cellphone repair shop. Nasabi kong trusted kasi dati dun nagpaayos ang tatay ng fone niya. Sabi ni kuya technician, P500.00 lang. Kelangan lang daw ireprogram yung fone ko. Okay naman daw ang battery at walang pyesang papalitan. Hinintay ko. Matapos ang 3 hours ni kuyang ipag-on-off-on-off ang fone ko, ayun wala rin kinahantungan! May software daw na hindi niya madownload. Gusto niyang balikan ko nalang daw kinabukasan! Eh ayaw ko nga! Baka palitan niya ang pyesa! Haay! Balewala ang paghihintay ko. Kaya lumabas agad ako at naghanap ng ibang technician. Sabi nung nilapitan kong stall (nakinwentuhan ko ng history ko mula alas-dos ng araw na yun) ay dalhin ko na lang daw sa Samsung Service Center. Meron sa Glorietta. Kaya pinuntahan ko. Yun naman pala eh Sales lang ang meron sila dun. Pwede daw ako sa MOA nalang. Dun daw may service center sila. Kaya dun ang next destination ko.
Dumating ako ng MOA around 5:30pm at diretso na yun sa Samsung. Ang gulo ng sistema! Walang nag-aassist. Hindi naman sa bobo pero ni walang nakasulat kung para san ba yung mga nakapila dun, kung ano ba ang unang gagawin at ni hindi ko alam kung may silbi ang number na kinuha ko kasi number 9 ako pero yung kasunod ng bubunutin e number 16! Basta kumuha na lang ako at pumila. Awa ng Diyos, tama naman ang pila ko. Pero magulo ang pila dahil yung iba eh mag-keclaim na samantalang yung nasa counter eh iisa. Hindi naman siya nagsasalit salit. Kung sino lang ang inis na customer, yun ang uunahin niya. Pero hindi na ako naging pabigat ng mga oras na yun at nagalit pa. Hinintay ko nalang na umusad ang pila. Pagdating sa harap ni ateng nasa counter ay inabot ko na ang fone ko at kinwento ang nangyari sa akin mula nung gumising ako ng 12. Yung mga may kinalaman na lang sa fone ah. Tas pumasok siya sa servicing room dala ang fone.
Pagkatapos ng ilang saglit, as in saglit lang, sabi ba naman, "Sir, bale papalitan na po to ng mother board kasi blackout na. Tapos pina-software niyo pa sa labas." "Ah ganun ba? Sige ayos lang... Mga magkano pala aabutin nyan?", sagot ko kay ate. Sumagot siya, "Sir mga 3,000." Napatitig na lang ako habang nakanganga kay ate ng mga 3 secs sabay sabi, "Pambihira! Bibili na lang ako ng bago!" Tumawa yung katabi kong customer. Sa isip ko, walang nakakatawa kuya. Kaya wag kang tatawa tawa diyan. Mas mahal pa ang pagpapagawa ko kesa sa bili ko dun? Pambihira talaga! Ni-hindi nga nila tinignan kung may papalitan ba talagang pyesa dun!
Lumabas ako ng hindi malinaw ang susunod na gagawin. Kailangan ko ng telepono. Pero may 1,500 ako. Ang ginawa ko, pumunta ako sa isang cheapetiks na mall kung saan nagtitinda ng mga second hand na fone. Sa Metropoint, sa Taft. Dun ako naghanap na kakasya ang budget ko. Since wala ng pag-asa ang dati kong fone, kelangan pumili ako ng pamalit na medyo makakasabay sa papalitan niyang fone. Ang gusto ko ay may radio. Para makakinig ako sa Goodtimes with Mo, Boy's Night Out, at Tambalang Balahura't Balasubas. Bukod dyan, yung hindi nakakahiya ilabas sa kahit anong okasyon. Mapa simpleng kitakits or meeting/ appointment sa kung kanino. May nahanap naman ako. Around 6:40, nakauwi ako sa bahay. Magsisimba dapat ako, kaso 6:30 ang misa. Kung magbabyahe pa ako, 7 nako darating. Pinagpaliban ko nalang.
Paguwi ko, nood nood muna. Talentadong Pinoy tas The Tuxedo (sa studio 23) tuwing commercial. Medyo ok na ako kasi may fone na ako. Pero masama ang loob ko dahil wala na akong pera. Iisipin ko na naman kung saan kukuha. Shyet talaga! Around 9:30, napagdesisyunan kong simulan ang naudlot na dvd marathon gamit ang laptop ko.
Naumpisahan ko na ang "V". Sa laptop ko din pinanood dati. Aba! Ayaw gumana! Sabi ko, eh pirated naman kasi. Try ako ng iba, Merlin. Aba! Ayaw din! Tas tinry ko na lahat ng dati kong napanuod na. Aba naman talaga! Ayaw lahat! Haaay! Napansin ko din na bumagal magbasa. Kaya nagdesisyon akong ireformat. Marunong naman ako magreformat. Natutunan ko mag-isa. Wala naman kaso sa akin ang files dahil kakareformat ko palang dito mga 2 weeks ago. Kaya ayun. Okay naman.
Install ng windows, tapos drivers. Mag-iinstall na ako ng Anti-virus dapat pero tinry ko muna ulit ang "V", ang Merlin, at ang iba pang dati na gumagana. Aba! Ayaw pa din! Ni-isa! Nakakabaliw na!! Tinry ko ng iinstall ang Anti-Virus na dati kong ginamit. Ayaw basahin!! So inisip ko, baka may mali sa paginstall ko. Kaya pinasok ko ulit ang Windows para ireformat ulit. Aba ayaw na din basahin!! Potek, sira naman ang DVD drive ko!! Shyet talaga!! Haaay!
Sobrang sira ng araw ko. Hindi ko na alam. Haay! Buti nalang at pagkasaksak ko ng wireless broadband na to eh gumana at nakapag-net pa ako. Haay! Pambihirang araw talaga!!
Read more...