Powered by Blogger.

ECG Paper

>> Saturday, July 24, 2010

Isa pa sa mga nagpapabigat ng loob ko ay yung result ng aking physical exam nung April. (Eto yung PE ko para dun sa inaapplyan kong Hospital). Mag-focus ako sa electrocardiogram (ECG) results. Ayon sa pagkakaalala ko eto ang results:

- normal rhythm
- normal sinus interval
- posterior hemiblock

Bilang isang graduate ng kursong Physical Therapy (PT), may idea na ako kung paano iinterpret ang mga result. Yung ikatlong entry ang hindi ko matanggap na meron ako. Ang ibig sabihin kasi ng hemiblock sa cardiac anatomy ay half-way ng iyong blood vessel ay natatabunan. Sa kaso ko, ang affected ay yung posterior part or likod na bahagi. Pwedeng dahil sa cholesterol or dahil sa blood clot or sa kung ano pang toxins sa katawan. Sa totoo lang nakakaramdam naman ako dati ng angina (an-jai-na; medical term for chest pains). Pero hindi ko pinapansin dati. Kasi parang tatagal lang naman for 3-5 seconds. Kaya saglit lang at feeling ko ay nothing to worry. Worst na siguro nung minsang pauwi ako galing work at nasa MRT ako ng makaramdam. Ang dasal ko nun, "Lord, wag naman dito sa train. Nakakahiya matumba dito. Wag din sa pasukan ng ticket. Mas nakakahiya dun. Sa bahay nalang." Awa ng Diyos, nawala naman.

Ang tanong ko, bakit ako magkakaroon nun? Sabi ko nga, wala akong bisyo. Hindi ako naninigarilyo. Oo, tinry ko dati, pero 1 stick lang yun at nung high school pa ako. Nakonsensiya pa nga ako kasi alam ko nangako ako nun sa tatay ko na hindi ako mainigarilyo. Nagtatakip din ako ng ilong kapag may naninigarilyo sa paligid ko. Hindi din ako nabarkada sa mga taong sunog-baga.

Hindi rin ako pala-inom. Kung may inuman, nakaka-3 bote lang ako. At San Mig pa yun. Mababa talaga ang tolerance ko sa alcohol. Nakasanayan ko na lang siguro kasi napabarkada ako sa mga hindi tomador. Tsaka, personal choice din. Naalala ko kasi dati na tuwing nalalasing ang tatay ko eh nakakaasar. Ayaw ko siyang tularan. Kaya hindi ako naging alipin ng alak. Hindi rin pala ako umiinom ng soft drinks.

Hindi rin ako mataba. Sa bigat na 130 lbs at taas na 5'8", in-proportion naman ang aking pagkatao. Maintained na yan. Ang body mass index (BMI) ko ay normal. Yun nga lang sedentary ang lifestyle ko. Wala akong hilig sa sports. Pero kung may itatry ako, gusto ko ang swimming. Bukod sa marunong ako lumangoy eh masaya kasi sa tubig. Last month, June, nagjojogging na ako. Nag-we-weights din. Pero this month nawawalan na ako ng motivation. Dahil sa sitwasyon ko na walang trabaho, walang experience at walang pera. Babagsak ulit sa pagiging stagnant ko. Haay.

Balik ako sa kwento ng physical exam ko. Nung pinakita ko sa doctor ang result, aba, wala man lang sinabi! Binasa tapos okay na. Cleared na. Oo nga't nakuha ko ang clearance sa PE pero ang kapalit naman eh pag-aalala ko sa sarili ko. Sinubukan kong sabihin sa mga magulang ko pero wala manlang reaksyon. Kinwento ko na nagkakaroon ako ng chest pains. Pero wala lang naman sa kanila. Kunsabagay, yung doctor nga walang sinabi eh. Pero alam ko sa sarili ko na meron nangyayari. Kasi nararamdaman ko. Kung nabigyang importansya lang siguro ang nakasulat sa papel ng ECG na yon, pwedeng hindi ganto kabigat ang pakiramdam ko.

Kinwento ko to sa isa kong kaibigan kailan lang. Ang tanong niya, "Nakikita mo ba sarili mo na tatanda ka?" Sinagot ko siya sa pinaka-sinsero kong sarili. "Hindi. Feeling ko hanggang 25 lang ako."

Kaya siguro ganto ako. Yung feeling na nagmamadali. Yung gusto ko na may gawin at simulan ang mga gusto kong simulan. Yung pakiramdam ng may time bomb sa tabi. Pero kahit anong gusto kong gawin ay hindi ko magawa. Kasi nga nakapako ako ngayon sa sitwasyon ko.


Gusto kong isigaw sa panahon na "Please, my time is running out. Make me do the things I want to do!" Haay.

2 Nagpatay-sindi:

Yas Jayson July 24, 2010 at 6:30 PM  

ars longa. vita brevis.

Marlo July 25, 2010 at 6:33 AM  

@Jayson: Ginoogle ko pa ser. :D

Pang-Billboard

  © Blogger templates Romantico by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP