Mga Dahilan
>> Wednesday, July 21, 2010
Hi.
Bago ako dito sa blog world. Dati ko pa talaga gusto gumawa ng blog. Pero tuwing sisimulan ko ay tatamarin na ako. Siguro kasi wala naman akong iseshare sa mundong to. Or siguro kasi hindi ko masagot ang tanong na "Bakit ako gagawa ng blog?". Para kasing ambabaw kung sasabihin ko lang na dahil gusto ko lang. Malamang magiging "ningas-kugon" lang ako pag-ganun.
Pero ngayon may dahilan na ako.
Yun ay ang magreklamo sa lahat ng nangyayare sa aking buhay. Hindi ko akalain na sa gantong paraan ko pa masisimulan ang blog na pinapangarap kong simulan. Pakiramdam ko kasi ngayon ay wala akong makausap. At parang walang makatulong sa akin. Or walang nakakatulong sa akin. Kahit na anong advise ng aking close friends, hindi nakakatulong. Haaaay. Pinipilit ko naman magkaroon ng good vibes. Pero dumarating talaga sa buhay ng tao na parang wala na. Nakakapagod na. Nakakapagod magpretend na masaya ka. Para sa mga kaibigan mo. Para sa mga tao na nasa paligid mo. Naniniwala kasi ako na marami na ang mga taong nalulungkot, nagagalit, at mga reklamador na akala nila ay nakakatulong sila. Kaya hangga't maaari nagiging masaya ako.
Sa mga nangyayari sa aking buhay, hindi ko na kaya maging masaya. May dahilan na ako malungkot. Magalit. Magreklamo. Ang hirap-hirap. Kung suicidal siguro ako, wala na ako sa mundong to. Pero naniniwala ako sa Diyos. Kaya hindi yun mangyayare.
Sa ngayon.
Pero, nararamdaman ko na hindi ako aabot ng bente-singko.
8 Nagpatay-sindi:
welcome dito sa mundo ng blog... :D
Salamat Marco. :)
Welcome sa blogging. Pakiramdam ko aabot ka sa 75, unless mag-end of the world na sa 2012. LOL
Sana makatulong tong blog sa'yo ... pasasayahin ka namin hehe...
Pero welcome sa blog world and sana talaga maging ok ka... Buti d ka suicidal! D kita makikilala kung ganon! =) Smile na!
ano naman ang dahilan at bakit ka malungkot. kwento na.
welcome sa mundo ng blogging.
cheer up. i think there are many things you want to share. blog on.
welcome, storyteller.
@sir Gasoline Dude: Ay, kung naghihirap din lang ako physically at emotionally eh hindi ko na papangarapin umabot ng 75. :)
@Traveliztera: Sana nga po mam. :) Ayan o, smile na.
@Sir Gillboard: Maraming dahilan sir.. Iisa isahin po natin yan..
@sir jayson: Yeah. That's what I feel. Seriously.
@all: ma'am at mga ser, maraming pong salamat sa pagwelcome! That's enough for me to smile. Atleast for today. :)
Welcome to the world of blogging :) Yes, tama ka, therapeutic ang pag blog. Hehe. Buti at naisipan mo yan! So malamang nga sa malamang makaabot ka pa ng 75! Yay! LOL.
Dont be too hard on yourself. Remember that we don't always have a hold on the cards that we are dealt with so you have to know how to play the hand. :) Relax, smile, dream!
Post a Comment