Powered by Blogger.

Isang Araw sa Quiapo

>> Monday, July 26, 2010

Noong isang linggo, naisipan ko pumunta sa Quiapo para bumili ng mga bagong DVD series. Hinihintay ko muna matapos ang isang season bago ko panoorin para hindi bitin kung manunood. Though minsan eh bitin din kahit ending ng season. At kung mamalasin pa, yung buong series ang bitin dahil hindi na tutuloy sa next season gaya na lang ng Kyle XY (eto ang unang series na pinanood ko. sayang to' ang ganda pa naman!), Pushing Daisies (isa pa 'tong nakakapanghinayang) at Flash Forward (ok lang. nasanay na ko sigurong mabitin).

Nung nakaraang buwan, tinapos ko ang mga series na Chuck (season 3), Heroes (season 4), Tudors (season 3), How I Met Your Mother (season 1), Lie to Me (season 1) at Brothers and Sisters (season 4). Sa mga yan, yung Tudors ang running ngayon at hinihintay ko pa. Tungkol yan sa Kingship ni Henry VIII. May pulitika, religion at sex. Nakakagulat yung isang episode nung minsang buntis yung Queen niya eh nagpa-tebats siya sa tauhan niya habang nakasahod sa timba. Kamusta naman yun? Hahaha! Hindi ko alam kung paniniwalaan ko or hindi. Bigatin din ang production nila. Astig ang mga damit. Parang ang sarap magsuot ng mga damit ng Knights. Iniisip ko nga kapag kinasal ako eh ganun ang gagawing motif. Hahaha. Yung Heroes daw last season na, tas yung ending eh gagawing movie na lang. Yung Chuck, may next season pa. Ayos yan! Comedy, romance at medyo sci-fi ng konte. Basta maganda yan! Yung How I Met Your Mother, maganda din! Nakakaaliw kapag hihirit na si Barney. Haha. Habang ang Lie to Me naman eh about solving cases using facial expressions. Malupet yan in a way na matututo ka basahin ang reactions ng ibang tao sa mukha nila. Malalaman mo kung nagsisinungaling ang kausap mo or hindi. Kung may isusuggest akong panuorin niyo, yan na yun. Yung Brothers and Sisters, tama lang. Pinapanood ko lang kapag natapos ko na lahat. Naumpisahan ko na kasi, kaya pinapanood ko na. Yang mga yan (pwera sa Tudors) eh sa fall season pa daw. Sasabay pa sa paglabas ni Charice sa Glee. Pinapanood ko ang Glee pero hindi si Charice. Hindi naman siya ganun kagaling kagaya ng mga bida dun. Pero susuportahan ko nalang dahil Pilipino siya.

Nung pagpunta ko, ang binili ko eh yung V. Mukhang maganda eh. About aliens. Haha. Maaksyon kasi ang umpisa kaya palagay ko maganda. Binili ko din ang Legend of the Seeker, para makapagisip pa ng magagandang concepts. Haha. Huli kong pinili yung Cougar Town. May nabasa kasi akong isang review dito sa blogs tas parang hook na hook siya. Baka magustuhan ko din. Hehe. Sa tatlong yan, pinaka-excited ako sa huli. Hindi ko na binili ang How I Met.. kasi madami nang season. Nakakatamad habulin.

Nandun na din ako eh nagtingin-tingin na din ako ng movies. Nagulat ako kasi 6 for 100 na ang bentahan dun. Naglakad-lakad pa ako. May magaalok ng "eks", iiling ako. Haha. Hindi ko naman kasi goal bumili ng porn nung araw na yun kaya di na ako bumili. Konting lakad pa, at mas nagulat ako. Sigaw ng isang ate, "Movies ser, dose ang isa!". Sabi ko, "Dose? Weh?!". Sabi niya "Oo nga ser! Malinaw din yan! Itetest naman natin eh!" So nagtry ako ng isa. Ayun, malinaw nga! DVD copy na! Sa sobrang saya ko, bumili ako ng 10. Haha! Nakatawad pa ako ng isang pelikula. Haha

Ayan. Kung hindi mo alam, ganyan na ka-mura ang bentahan sa Quiapo. Pero hindi padin maganda ang pirated. Mas maganda pa din sa sinehan. Pero kung The Last Airbender ang gusto mo mapanuod (tapos napanood mo yung series), HINDING-HINDI ka talo sa pirated. Hahaha

3 Nagpatay-sindi:

Marlo July 27, 2010 at 6:41 PM  

testing kung gumagana. :)

Anonymous July 28, 2010 at 12:45 PM  

test ko din nga.

Anonymous August 20, 2010 at 2:04 PM  

nakakatuwa nman to..mahilig din akong mag dvd marathon way back in province ngaun nasa boarding haus ako hindi ko na iyon nagagawa.. paborito ko ang kyle xy at heroes..


try mo prisonbreak..

Pang-Billboard

  © Blogger templates Romantico by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP