Tubig Kanal
>> Thursday, July 22, 2010
Nung simula ng taon na ito, nagtatrabaho ako sa isang call center sa Boni. Pero isa akong lisensyadong PT. Pumasok ako sa call center dahil wala akong budget kahit pang-volunteer man lang sa ospital. Kaya no choice talaga. Okay naman sa call center. May pera. Madali ang trabaho kasi back office naman. May calls din pero 3 lang whole shift na. Walang irrate callers pa. Basta madali lang. Kumbaga, SISIW LANG! May mga makukulit na officemates. May mga nakakainis din - yung mga reklamador na, ang tatamad pa, kaya sa'yo ibibigay ang trabaho. Probationary kasi. Pero okay lang naman sa akin ang magtrabaho ng magtrabaho. Mas naiistress pa nga ako kung wala akong ginagawa.
Pero hindi ako masaya sa trabaho. Feeling ko ang stagnant ko. Walang nangyayare. Growth oriented kasi ako. Alam ko na marami pa akong pwedeng gawin at hindi ako dapat makulong sa mga cubicle ng opisina at araw-araw intindihin ang mga walang basehang reklamo officemates ko. Andyan pa yung panghihinayang ko na hindi ko pina-practice yung pinaghirapan ko ng limang taon sa school. Yung lisensya ko, bale wala. Inaamag sa wallet ko. Yung mga friends ko, hindi ko nakakasama or nakakausap. Kasi graveyard shift. Kaya pakiramdam ko talaga ay sobrang stagnant.
Araw-araw tuwing papasok ako, ambigat ng mga paa ko. Hanggang sa napagdesisyunan ko na magfile ng resignation. May 2 months pa bago mag-effect kaya humanap ako ng trabaho. Trabaho na pang-PT. Or kahit anong related sa tinapos ko. Mas gusto ko manggamot. Magpa-exercise. At makipagusap sa mga pasyente kesa kaopisinang puro reklamo. Gitna ng April, nakaalis na ako sa call center. At sinabi ko sa sarili ko na tapos na ako sa ganoong klase ng trabaho at hindi na ako babalik dun.
Nag-apply ako sa military hospital. Habang inaasikaso ko yun, nagpasa din ako sa 2 review center as lecturer. Gusto ko din kasi ang feeling ng nagtuturo sa harap. Yung ikaw ang nageexplain. Yung una, hanggang demo lang ako. Sayang. Yung pangalawa, hindi ko sinipot dahil nung pinapag-demo ako eh nakita ko sa site nila yung list of lecturers pero wala naman ako. So parang walang silbi na magdemo pa ako sa kanila. Though kinontak pa ulit nila ako after sometime, tumanggi na ako dahil pakiramdam ko eh na by-pass nako.
Naging masigasig ako sa military hospital. Malaki kasi ang sweldo dun. Tiba-tiba kumbaga. Maraming inaayos pero sulit kung makapasok. Yung ipon ko, halos dun ko lahat ginamit. February ako nagsimula sa requirements at natapos ko nung May. Sabi sa akin, hintayin ko daw hanggang July kasi ganun daw talaga katagal yung last clearance para sa last interview. Tinanggihan ko na yung offer ng rehabilitation center as PT at offer ng isang hotel as fitness attendant para lang dun. Pero hanggang ngayon wala pa din. Haay.
Pakiramdam ko, pinalampas ko na lahat ng magandang opportunity. Kaya hanggang ngayon, wala akong trabaho. Haaaaay! Sa ngayon, may 2 pending applications ako. Isa yung sa military hospital - hindi ko parin tinatanggal ang pending status dahil nakausap ko yung taga-duon nung isang araw at hinihintay pa daw yung clearance ko. Yung isa, sa isang insurance company as junior underwriter - yung mga nagchecheck ng na-file na reimbursments for PT Sessions kung dapat yun i-approve or i-deny. Parehong walang progress. Parehong frustrating.
Gaya ng umpisa, eto ako. STAGNANT na naman.
Walang pag-unlad. Walang pag-agos. Walang buhay. Diba yan din ang description ng isang kanal?
Sana ay bumuhos na ang ulan. Para maumpisahan ko ng paagusin ang aking mga pangarap.
4 Nagpatay-sindi:
Frustrating nga sa umpisa... cliche na siguro kung sabihin ko toh pero lagi namang nagiging okay sa tamang panahon. :)
You're still young. Don't be too hard on yourself.
darating din yong para sayo sa tamang panahon... matagal man ang paghihintay pero sulit naman!
tc, :)
@traveliztera: Sana nga eh maabutan ko ang tamang panahon na yan.
@sir Gasoline Dude: Pressure is on me, everywhere. I have no choice but to be like that.
@marco: Gaya nung sabi ko kanina, sana kapag nasa tamang panahon na eh hindi pa huli ang lahat.
Post a Comment