Aftermath
>> Tuesday, August 17, 2010
"I'd rather be a big fish in a pond than be a small fish in an ocean."
Pinangarap ko din mag-abroad gaya ng maraming Pilipino. Pinalaki kasi akong magiging masagana ang buhay kung sa ibang bansa kakayod at walang kinabukasan dito sa lupang hinirang. At base sa mga nakikita ko, hindi sila nagkakamali. Kapag umuuwi ang mga balikbayan eh napupuno ng tsokolate ang ref namin at nagkakaroon ako ng bagong rubber shoes at mga robot. Masarap ang feeling! Iba ang saya na naibibigay ng mga OFWs sa mga kapamilya nila dito.
Gusto kong yumaman. Pero gusto ko din dito sa Pilipinas magtrabaho. Gusto kong dito idrive ang sarili kong Expedition, makita kong tinatayo ang magiging bahay ko sa Palawan, pumunta sa school para umattend sa awarding ng magiging anak ko o sa tuwing siya ay namboboso sa teacher. Gusto ko ako ang magdidisiplina sa kanila at magiispoil sa mga magulang at kaibigan ko. Pero kung ako ay magiging simpleng empleyado lang ng isang ospital dito, mahirap! Hindi ko kakayaninng matupad ang mga pangarap ko. Kung magiging PT ako dito ay wala talagang kinabukasan.
Hindi ko naman talaga pinangarap maging sundalo. Pero sinubukan ko na rin kasi pagnakapasok ay opisyal ka agad. Sasaluduhan ka, igagalang ka! Marami kang pera. Pogi-points pa ang baril na nakasukbit sa bewang! Military official at the same time eh PT!
Kahapon, natapos ng walang kahirap-hirap ang last interview ko. Sabi ko naman, wala akong problema sa mga ganyan! 12 kaming ininterview, 5 lang ang kukunin. Pero sabi sa aking nung sarhento pagkatapos eh sure na daw ako. Hahaha! Natapos kami ng past 5pm. Dumiretso nako sa isang pasyente. Gabing gabi na at pagod na pagod ako paguwi. Umulan pa!
Kahapon ko din pala nalaman ang "goals" ko para sa aking physical fitness test (PFT): 3.2 KM run, 55 push-ups at 47 sit-ups. All in 23 minutes! Kampante ako sa takbo. Alanganin talaga sa push-up at sit-ups! Haay. Pagod at kulang pa ang tulog ko dahil sa gabing nakalipas! Alam kong hindi ko kakayanin talaga ang dalawang huli na yun.
Ang resulta? Sablay lang sa pagtakbo! Ang hirap! Sumobra ng 5 minuto! Andami kong pahinga (pero hindi ko talaga ramdam na nagpapahinga ako!). Patayan! Hahaha! Akala ko eh magba-black out nako! Tapos sabi sa akin eh araw-araw ganun ang takbo namin sa training. Ang hirap!
So ayan, bagsak ang PFT ko. Medyo nanakit pa ang katawan ko.
Pero may retake ang mga bumagsak sa thursday ng umaga. Sana kayanin ko! Tatakbo ako hanggang mamatay! HAHAHA
9 Nagpatay-sindi:
bakit hindi ka magtry sa ibang bansa??? in demand ang mga therapist sa america ngayon.
nakakapagod yan pero goodluck sayo hehehe...
hey sorry if naoffend ka sa sinabi ko. anyways, galingan mo sa thursday. tara magtrain! do some jumping jacks as cardio! hehe :D
oy, good luck sayo... kaya mo yan! :-D
kayang kaya yan!!! kaw pa..basta pag nanalo ka libre mo ko hahaha me ganun hehehe
kayang kaya mo yan boss. if u need ng kasama sa pagtakbo, tara.. go go go!
astig naman, sundalo,, ang heroic!
kahit ako dito din sa Pinas nakikita ang sarili sa future.
kaya mo yan marlo,, basta paghahandaan lang.. work out and jog. goodluck! goodluck!
@jiashi: Last option ang pagalis ng bansa. :)
@jag: salamat! Hindi lang nakakapagod. Nakakamatay! HAHA
@ced: Haha. Ok na. :) Gusto ko lang din ipromote sa mundo na iba ang PT sa Masahista. Tulong ko na din sa aking propesyon. HAHA
@marco: oy. salamat! :D
@rico: Mr. Fu? hahaha! Salamat!
@mamang driver: haha! sige pagnakapasa na ako! Haha
@gesmunds: hahaha! hindi naman gaanong heroic. Hehe! huli na ang paghahanda. haay! haha basta bahala na! haha
sa buhay, pwede ang retakes. grab them! goodluck :)
Post a Comment