Powered by Blogger.

May Kakam-blog!

>> Friday, August 13, 2010

Nakwento ko sa last last entry ko kung gaano ako kamalas at tila tinubuan ng malaking balat sa pwet noong linggo. (eto yun.) Ngayon ay tila nararamdaman ko na ang mga kapalit nung mga kamalasan na yon. Eto iisa isahin ko:

1. May job interview na ako sa wakas!! Bwahaha! Makalipas ang sobraaaaang tagal na paghihintay ay tinext na ako na sa Monday ang aking interview para dun sa nakwento kong hospital. Naka-schedule 'to sa Lunes. Actually, hindi naman ako kinakabahan sa interview. Komportable ako sumagot sa mga tanong. Ang mahalaga lang naman dun eh magpakatotoo ka. Ang mas kinakabahan ako ay dun sa step pagkatapos ng interview: ang phyiscal fitness test! Kasama dun ang pagtakbo, sit-ups at push-ups. Ok lang sa akin ang tumakbo. Pero mahina ako sa push-ups at sit-ups! Kinakabahan ako kasi sa Tuesday yun naka-sched. Iniisip ko kung magtetraining ako this weekend. Eh kaso, kapag ginawa ko yun, malamang sumakit ang katawan ko pagdating ng Lunes! Mas kakaunti ang magagawa kong exercise! Susubukan ko na lang na adrenalin rush ang pairalin pagdating ng Martes. HAHAHA!

2. May income na ulit ako! HAHA. Eto eh yung habang hindi pa ako tanggap dun sa ospital. May hino-home PT na ulit kasi ako. Taga-Makati. Madali lang gamutin. Low back pain! Matanda na siya. Yung anak niya, hangkulit! Gusto gamutin ko ang mommy niya ng araw-araw kasi daw effective ang ginagawa ko. Sabi ko naman, hindi yun pwede kasi baka mabigla naman si Mommy niya kaka-exercise! Pero ang totoo, kung mapanlamang kang PT, pwede naman araw-arawin. Para araw-araw din ang income mo. Per session kasi ang bayad. Kung gagawin ko naman kasi yun, ako naman ang magkakaback-pain kasi malaki si Mommy. Bukad diyan, hindi ako mapanlamang. Bow. Haha.

3. Aside sa pasyente ko, may schedule na ulit ako ng pagmemedic! HAHA. Natapos na kasi ang unang round para sa elimination kaya may bago na ulit sched ang basketball players. Akala ko eh hindi na ako kukunin. Sayang din yun ano. Kasi yun yung binabayaran ako para manuod ng laro, magcheer sa school ko (tho dapat talaga eh non-partisan kami kasi medic nga kami), tsaka kumain ng 2 miryenda at tanghalian ng libre! HAHAHA

Yun lang naman ang bago sa akin mula nung linggo. Napansin ko din, mas ok pala sa akin ang magsulat na agad kapag may naiisip. Kasi nung past 3 days, marami na akong naiisip. Pero di ko agad sinusulat. Tas kapag gusto ko na, wala na yung thought. Parang super effort na ang gagawin ko para lang may masulat.

+ + + + +

Oo nga pala, pakiramdam ko eh nababalot ng kung anong salamangka itong laptop ko. Kasi napagana ko na ang DVD driver nito! At nakapag-marathon na ulit ako ng series. HAHA. Pero nasira siya nung pinasakan ko ng pelikulang pang-matanda. Ang naaalala ko, nung huli kong pinanood bago masira noong Sunday eh sa ganoong pelikula din. Kaya bawal na ang porn sa laptop ko! Pero ayos lang, basta may trabaho na ako. HAHA

+ + + + +

Bago din pala ang template ko. Kasi nung isang araw ay nagboblog hop ako. Nang biglang nakita ko na kaparehas ng theme ko ang blog niya! Ganun pa la yun? Hindi masaya ang feeling! Parang may ka-double ka. Hindi ka original. Naisip ko tuloy, masaya kaya ang magkakapatid na kambal? Meron akong kilalang kambal. Muka naman silang masaya. Yun eh kung kaharap nila kami. Paano kaya sa bahay nila? Nung pinapalaki sila ng magulang nila? Yung tipong parehas lahat? Parehas ng damit, ng tulugan at laruan. Pati baby pictures parehas! Ang hirap siguro nun. Parang palagi mo maikukumpara ang sarili mo sa kanya. Magiging pamantayan mo siya kahit hindi sinasadya kasi yung mga tao sa paligid niya eh ganun naman ang gagawin. Ikukumpara kayo palagi. Diba ganun tayo sa mga kambal? Hahanapin ang pinagkaiba nilang dalawa at hindi ang similiraties. Siguro ang hirap ng may kakambal. Yung kakambal ko namang blog eh may similarities kami, parehong tungkol sa lugar ang aming blog title. Pero para di ko na siya gawing pamantayan at wala ng mga pakukumparang maganap sa hinaharap, ako na ang gumawa ng sarili kong header (at kung ano pang ka-eklatan) gamit ang mga nakunan kong pictures! Hehe. Para sure nang unique !

(Hindi ko na binasa ulit. Kelangan na matulog. Mag jojogging pa. Nyahaha!)

12 Nagpatay-sindi:

eMPi August 13, 2010 at 8:07 AM  

ayon naman pala at may kapalit ang kamalasan mo noong nakaraan... well, good luck sayo parekoy! :)

bulitas August 13, 2010 at 3:56 PM  

gulong ng buhay! hehe

Marlo August 14, 2010 at 1:25 AM  

@marco: salamat salamat! :D

@bulitas: idol! HAHA. Onga eh. Bilog talaga ang mundo!

my-so-called-Quest August 14, 2010 at 4:41 PM  

Goodluck sa Physical fitness test! sana nakapagtrain ka prior. pero karirin mo na lang at paganahin ang adrnalin! hehe

pwede rin ba pa magpahome PT! yung MPS ko! huhuhuh! sakit. kaya namimiss ko na ate ko. haha

malakas na ulit ang PT at MT abroad ah! why not try some application?
malay mo.


salamat sa pagdaan marlo! :D

Yas Jayson August 14, 2010 at 5:20 PM  

good job! :D

KESO August 14, 2010 at 9:49 PM  

good luck marlo! haha

alam ko din yung feeling ng may kapareho ng template! hahaha!

Marlo August 14, 2010 at 11:02 PM  

@doc ced: adrenalin na lang talaga. haha

@jayson: apir!

@keso: di masaya ano? haha

Anonymous August 15, 2010 at 12:56 PM  

aus yan..mkhang madaming ngyring mgnda sau dis week kip it up

The Pope August 16, 2010 at 12:16 AM  

Good luck in your job interview. I love your attitude when you say "hindi ako mapanlamang", sana ganyan lahat ang attitude ng Pinoy.

BTW, I am inviting you to support and join PEBA 2010 as a Nominee, with your blogging talent, you have the potential to be our first OFW Supporter to win Outstanding Top Finalist.

Pls. find time to visit PEBA (http://www.pinoyblogawards.com/)

GBY.

bonistation August 16, 2010 at 3:54 AM  

salamat sa pagdalaw sa station ko. =) nakibasa din ako dito! goodluck sa interview. is it today? MONDAY (phil time) goodluck and god bless!

gesmunds August 16, 2010 at 6:46 PM  

good to know that! astig ah.. daming raket! :)

ako din dati may nakita na pareho ng template ko,, pero di ko pinaltan ung sakin,, nakakapagod kasi.. kaya aun,, nakita niya yata na pareho kami..siya nalang yata ung nagpalit haha!

goodluck goodluck!

thanks sa pagdaan. :)

Marlo August 17, 2010 at 6:17 PM  

@Rico: Sana magtuluy-tuloy. :D Salamat!

@Pope: Haha! Hindi po ako OFW. :D

@Bons: Salamat sir! Salamat sa GVs ng station. :)

@Gesmunds: Ang hirap pumili. Nakakapagod. Haha! Salamat din! :D

Pang-Billboard

  © Blogger templates Romantico by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP