Powered by Blogger.

Welcome 2011! Welcome back to me!

>> Saturday, January 1, 2011

Hello. May bago na akong wireless broadband. Kaya makakapag-update na ulit ako ng blog. Yey!

Una sa lahat, happy new year!! At sa unang araw din ng taon eh may sakit ako. Badtrip!
Mainit ang pakiramdam ko tapos eh pakiramdam ko busog na busog ako kahit na wala naman akong kinakain. Haay.

Marami na palang nangyare mula nung huli kong punta dito... Kinasal na yung ka-Church org ko dati. Nalate ako sa misa. Hindi tuloy ako nakapagbasa pero inassign niya ko. Ngayon eh nasa Canada na sila. Sarap!

One week bago din magpasko eh puro ako Christmas party. As in 8 party ang napuntahan ko! Wala akong ginawa kundi kumain, uminom at mag-videoke (kahit di ako marunong!). Kaya syempre, eto, antaba-taba na!

Oo nga pala, kakasweldo ko lang din. Medyo nakakatuwa ang nakuha ko. Hehe. Kasi 3 months yun eh. Kaya naipon. Nagcanvass na ako para bumili ng DSLR. Pero nung bibilhin ko na eh wala na daw stock nung gusto ko. Kaya di na lang ako bumili. Instead, namigay na lang ako ng regalo. Ang bait ko ano? Ganyan ako sa mga kaibigan ko. Haha

Nakatapos na din pala ako ng 2 libro. Yung isa yung Power of Positive Thinking. Self-empowerment book. Tas yung isa eh yung Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan. Isa yon sa mga libro ni Bob Ong. Ang saya non! Nakakatuwa!

Nung December 30 ay umakyat pala ako sa Baguio. Balikan ang ginawa ko. Nagkita kame ng isa kong barkada na taga-La Union. Nakasakay ako ng Victory Liner ng 11:30pm nung Wednesday at nakarating ng Baguio ng mga 5am the next day. Nag-stroll una ako sa Burnham Park at Session Rd habang wala pa siya. Mga 7am kasi siya dumating. Tas sinulit ang 12 hours kong stay. Puro lakad at picture kame. Punta ng PMA kung saan kinita ko yung isa kong kaklase. Bumili pala ako ng 3 bote ng rice wine na nabasag yung 2. Sayang. Pero ang bango bango! Ang sarap sarap! Haha. Nakaalis ako dun ng 7pm. Nakarating ako dito sa maynila nung 1am ng 31.

Napagod siguro ako dahil tuluy-tuloy lang ako. Hindi ako nakakapagpahinga. Tapos eto pa nagawa ako neto. Gusto ko kasing ituloy na. At matutuloy ko na kasi may net na ulet ako. Ayun lang naman. Balik ako sa susunod. Inaantok na ulit ako.

2 Nagpatay-sindi:

eMPi January 1, 2011 at 5:08 PM  

Happy new year! Maligayang pagbabalik na rin. :D

my-so-called-Quest January 3, 2011 at 11:36 AM  

happy new year ser! :)

Pang-Billboard

  © Blogger templates Romantico by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP