Powered by Blogger.

Walang Tulog

>> Wednesday, January 5, 2011

Gusto ko talaga magsulat ng mahaba. Pero iiklian ko lang. Dahil antok na antok na ako. Bakit? Kasi kulang na kulang pa ang tulog ko kagabi. Pinasaya ko kasi ang sarili ko sa pamamagitan ng... paglalaro ng DOTA. Hahaha! Kinita ko ang college dotamates ko sa UST at nagpakalulong sa bagong mapa nito. Naka-6 games kame lahat. Sa sobrang tagal na namin di naglalaro eh hindi na kame marunong. HAHA. SAYANG PERA in short! Pero ayos lang. More than the prestige of winning naman eh saya na nagkita-kita ulit kame. Hehe

Andami na din pala nagbago sa USTe. Kahit na mag-2 years palang akong wala doon. Andaming improvements (or pangcover sa corruption?) na pinapatayo dun. Hmmm. Ayon.

Kanina pala ay nagpamasahe ako. Ang sakit na kasi ng likod ko. Ang sarap!!

Napapansin ko lang, parang andami ko ng unnecessary buys (mp3 player, mga t-shirts, tas palagi na akong naka-taxi) mula nung magka-sweldo ako. Sana Lord eh tulungan mo akong wag ng maging impulsive at mamuhay ulit ng simple gaya dati. Kung ganito ako ng ganito eh wala akong maiipon.

Anyway, may absent ako dito sa blog ko kahapon (dahil nga don sa Dota). Sayang, target ko pa naman ang 365 entries by the end of this year. Siguro dadalwahin ko minsan ang post ko sa isang araw.

Yun lang. Tulog na ako.

4 Nagpatay-sindi:

Jag January 6, 2011 at 5:58 AM  

Ayos na bonding moments pa rin yun with friends...

ako sleep deprived din huwaahhh!

Marlo January 6, 2011 at 9:12 PM  

sinabi mo pa ser! Ang saya talaga! :D

may weekend naman para bumawi ng tulog!! Hahaha

lucas January 7, 2011 at 1:24 PM  

Sobrang naadik ang kapatid ko dyan..ayun mdyo tagilid ang mga grades..hehe

ewan ko ba...hindi ako talaga nahilig sa online games...

Marlo January 7, 2011 at 9:43 PM  

@lucas: wag sisihin ang dota dahil tagilid ang games! haha. ako naman di naging tagilid ang grades nung nag-aaral ako. Actually, mas tumataas ang grades ko kapag naglalaro ako bago ang exams. Kasi good feeling ako kapag nanalo bago magtest kaya ganado mag-exams! Haha

Pang-Billboard

  © Blogger templates Romantico by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP