Araw-araw
>> Friday, January 7, 2011
Nakatutuwang isipin na weekend na uli! Yey! Sana'y kasi akong pare-parehas lang ang weekday at weekend (dahil palaging walang pasok). Natutuwa ako hindi dahil ayaw ko sa opisina kundi dahil andito na ulit ako sa bahay namin matutulog. Natutulog lang kasi ako sa quarters sa opisina para maagang makarating makapasok at less hassle. Ambilis talaga ng oras kapag marami kang ginagawa. Lalo na kung nag-eenjoy ka sa mga ginagawa at sa mga kasama mo.
Ang napansin ko lang, yung mga tao na na galing sa walang pasok (weekend o holiday man) eh pagpapalapit na ang Monday (o ang pasukan ulit) eh nag-uupdate ng status sa kanilang facebook ng "Pasukan na naman bukas!!" Sabay reklamo ng kung anu-ano tungkol sa mga trabaho nila. Ano bang problema? Ayaw nila sa trabaho nila? Eh bakit naman kasi yun ang pinasok nila? Sa totoo lang, hindi nakakatuwa.
Ang point ko lang, wag sana nating i-treat na "drag" ang ating mga trabaho. Mas nakakapagod at nakakadrain talaga ang ganun. Araw-arawin mo pa na ganyan. Sus! Dati ko nang tinrato ng ganyan ang trabaho ko sa Call Center. Ang ending? Mas pagod ako at palagi akong nagkakasakit.
Hangga't maariay humanap ng mga bagay na aasahan o ilu-look forward dun sa ginagawa, sa trabaho. Huwag nating ikulong ang ideyang yan sa pera na kikitain. Andyan ang mga kolokoy na ka-opisina, mga "crush" sa opis at nakakatawang boss. Naalala ko dati nung intern ako sa isang rehab clinic sa Makati eh sobrang stressed ako sa mga pasyente. Dalawa lang kasi kaming intern tapos ang daming pasyente! Andaming aayusin at the end of the day! Nung mga panahon na yon, ang nilu-look forward ko eh yung aking mahabang lakad from the vicinity around Makati Med, aakyat ng walkway, babagtasin ang Greenbelt, Landmark at Glorietta. Everyday ay ganyan ang gawi ko. Bukod sa enjoy ang mga malls (lalo na kung sale), eh nageenjoy akong manood sa mga taong nakakasalubong ko. Ang babaw no? Dahil don eh hindi ako sobrang pagod pag-uwi ko.
Sa ngayon, nageenjoy ako sa pagpasok ko sa opisina. Inaasahan ko ang isang masarap na jogging tuwing umaga, ang aming breakfast sa pantry kasama ang mga duty sa ospital, ang tanghalian naming magkakaklase sa training at ang pag-ilag namin sa mga seniors para lang maenjoy namin ang pagkain at ang kung anong maisip namin gawin pag sapit ng gabi (nung wednesday eh nagpamasahe ako tapos kahapon tinry namen ang malaking chicken ng Mini-Stop). Yun ang mga bagay sa palagay ko ay dahilan kung kaya't ako eh hindi napapagod sa tuwing babalik na ako sa quarters. Nasanay na akong palagi akong may nilu-look forward sa araw-araw para di ako pagod.
At kung ikaw eh walang maisip na mga ganyan, mabuti pang isipin mo na kung dapat ka na bang gumawa ng resignation letter.
Happy weekend!