First Monday
>> Monday, January 3, 2011
It's the first monday of the year! At ako'y tamad na tamaaaad. Pero wala naman akong pasok. Bukas pa. Siguro eh nape-preempt lang ako sa dami ng mga gagawin ko kaninang umaga.
Una kong ginawa eh pumunta sa dentista para magpa-pasta at cleaning. Sinadya ko yung dental clinic sa isang mall. Sarado kasi yung dentista ko dito sa lugar namen. Nalugi na ata sila. Mura lang kasi dun. Kaya laking gulat ko din ng malaman ang presyo ng pasta at cleaning dun sa clinic sa mall! P600 ang cleaning at P600 din ang pasta! Pambihira! Pakiramdam ko eh hindi worth it ng ganun ang itsura ng clinic na yon. Kaya ang ginawa ko eh pasta na lang. Next week na lang siguro ang cleaning. Kapag nakahanap ako ng mas abot kaya. Hehe
Pagkatapos non eh pumunta ako sa SM Makati. Andami pa din tao. Sale din don hanggang Jan 9. Napansin ko yung mga saleslady eh parang wala din sa sarili. Pamali-mali ng binibigay sa aken na order. Natawa na lang ako kasi para lang mga sira.
Bumili din ako ng whey protein. Hahaha. Umaasa kasi ako na gagada pa lalo ang katawan ko kapag nag-take ako neto. Antagal ko nga pumili. Hindi ko kasi alam kung dapat bang etong powder na whey pro ang bilhin ko o yung Amino 2000 na capsule tas may nakalagay na "mass" para gumanda ang katawan ko. Antagal ko nag isip... Antagal. Pero ang ending eh yung powder din ang binili ko kasi may madali tong maabsorb ng katawan kesa dun sa capsule. Palagay ko eh mas magiging effective to.
Pagkatapos eh pumunta naman ako sa MOA. (Ayos sa trip ano?) Dun naman ako naghanap ng mp3 player. Hahaha. Ang hinahanap ko kasi eh yung mp3 at may FM. Ang alam ko eh sa cdr-king lang meron nun. Kaso wala na daw nun sa cdr-king. Sa SM appliances ako nakahanap nung gusto ko. Iisang stock pa. Pakiramdam ko tuloy eh para sa akin yun.
Dahil pakiramdam ko eh mahaba pa ang oras, dumiretso na ako sa Baclaran. Wala lang. Baka kasi may makita akong masarap bilhin. Nilinis na naman pala ang mga bangketa don sa ilalim ng LRT. Ang sarap maglakad kapag ganoon ang daanan dun. Bukod dun eh ganon pa rin sa Baclaran. Pati ang mga paninda eh ganon parin.
Naisipan ko pala magpamasahe din. Kaso kakatapos ko lang kumain sa World Chicken (marasap ang Ranch Bbq sauce!), kaya pakiramdam ko eh susuka ako kapag pinadapa ako. Kaya pass na lang muna.
Teka, jogging lang muna (sa palibot ng RWM). :D
2 Nagpatay-sindi:
ayos sa trip... naalala ko tuloy yong ginawa ko dati na pinuntahan ang limang malls sa isang araw lang. :)
apir! :D haha. ansaya kaya! gagawin ko din sa susunod. iisa-isahinko ang malls along edsa. haha
Post a Comment