Building Blocks
>> Tuesday, November 23, 2010
I was on my way to the 2-storey high Christmas tree in the middle of MOA last saturday when I came across the playful colors of the Lego exhibit. Ang sarap tignan ng mga Lego! I found myself reminiscing when I used to play this toy during my gradeschool years. Ang naalala ko, meron akong isang box na bahay lang ang pwedeng mabuo. Yun yung mga panahong di pa uso ang mga taong lego. Then nasundan na lang nung nagkaroon ako ng wild-wild-west na theme tapos ay isang space-themed. (Pero hindi yun Toy Story ah. Nagkataon lang.) Ang alam ko pa, pagkatapos kong mabuo ang isang "obra" eh ang hirap hirap gibain. Feeling ko, nakakapanghinayang. Kaya magpapabili ako ng isa pa. (Pero syempre, di ako bibilhan.) Ganun din ang feeling ko kapag nawawala ang isang pyesa. Lalo na pagkatapos maligo sa batya at makikita ko sa kanal. At iba din ang saya kapag nakita ko at nahugasan na dahil pwede na ulit paglaruan at bumuo ng kung anu-ano pa! Haha
May nabasa ako dati na nakakatulong ang Lego sa skill at cognitive development ng bata. Sa level kasi nila, complicated na yung ganoong laruan. Yung pagmamanipulate ng blocks, kung ano ang bubuuin mo at kung paano mo yun bubuuin. Natututo maging creative and imaginative yung bata.
Naalala ko pa, payabangan kame ng mga kalaro ko sa kung anong lego meron kame. Yun yung mga panahon na parang requirement ng bawat bata ang magkaroon ng lego. Dahil di naman kame mayaman, palagi akong nasa huli. Ayos lang naman, kasi atleast kumpleto palagi ang pyesa ko. Walang nawawala. Haha! Napansin ko lang ngayon na wala na akong nakikitang batang naglalaro nito. Madalas eh nasa computer shop sila. Nagdo-dota. O kung anu pa mang on-line game. (kaya siguro di na gaanong creative ang bata ngayon at puro kabastusan ang alam. Kung anu-ano kasi ang napupulot dyan. HAHA) Hindi naman ako against sa computer games. Kasi kahit naman ako na-adik dati sa Contra Wars at Battle City bago ako na-adik sa Ragnarok at DotA. Sana lang eh ma-experience din nila ang paglalaro ng Lego kahit papaano.
Oh well, atleast eh nakita ko ang mga batang ito na nageenjoy habang naglalaro! :D
2 Nagpatay-sindi:
I have my lego collectiuon din nung bata pa ako pero hndi ko alam kung buhay pa ito sa bahay namin hehehe...nice photos...
see that. uso talaga sa generation natin ang Lego. haha. Yung sa akin naipamana ko na. Kahiya nga kasi ang dudumi pa nung binigay ko dati.
Salamat pala ser! :D apir.
Post a Comment