Expectations
>> Saturday, August 28, 2010
Kagabi ay nag-stat ang aking kaibigan ng: I really don't need to meet everyone's expectations.
May mga nag-click ng like button. At may mga nagcomment na sumang-ayon. Pero tama ba talagang hindi natin ma-meet ang expectation ng bawat isa sa atin?
Bago ang madrama at mabigat na linggong ito ay namaygapag sa tv (o sa channel 2 lang?) ang pang-aabuso sa isang holdaper sa Maynila. Kasabay niyan eh yung pambabatikos ng mga tao gamit ang kani-kanilang facebook wall at kung saan pa na pwedeng makapagcomment. Kung ako ang tatanungin, bilang isang biktima ng 3 holdapan mula noong high school hanggang noong makatapos ng kolehiyo ay TAMA lang ang ginawa ng pulis sa bidyo.
Alalang-alala ko pa kung gaano katraumatic ang nangyare sa akin nung dun ako sa jeep naholdap. Apat sila, lahat may kutsilyo. Ang isa sa likod ng driver at tinututukan, isa sa gitna, at dalawa ang sumabit sa pintuan. Lahat ay mapula ang mata. Lahat ay agresibo at inipilit kaming magbigay. Hindi ako ang natutukan ng kutsilyo kundi yung katabi ko. Pero grabe talaga ang mga yan! Handang handa pumatay para lang sa pera at cellphone! Sigawan at hiyawan ang mga pasahero sa loob ng rumaragasang jeep. Takot. Yung isang matandang babae nanginginig ang kamay at boses habang inaabot ang laman ng mahabang pitaka. Sayang. Ako, nagcontribute ng 300. Yun kasi ang nabunot kong pera sa bulsa ko. Buti na lang at mabilis kong na-slide sa singit ng upuan yung manipus kong fone. Gayunpaman, yun ang pinakanakakatakot kong karanasan sa mga hinayupak na holdaper na yan.
Kung sa tingin ng marami ay masamang mga pulis ang yon. Sa aking mga mata, mga matang nakakita kun gaano kasama ang mga holdaper na yan, tama lang yon. Ang holdaper na yan, kung hindi naman gumawa ng masama eh hindi mapupunta dun sa kulungan! At hindi niya yun mararanasan! Kaya tama lang talaga!
Pero hindi ko sinasabi na bayani ang pulis na yon. At hindi rin bayani si Rolando Mendoza.
Sobrang bigat ng loob ko noong lunes ng gabi, lalo na nung martes. Nakakahiya, nakakapanlumo, nakaka-frustrate! Kung noong isang taon ay sikat tayo sa buong mundo dahil sa pagpupugay natin kay Cory Aquino eh siya namang kabaligtaran ngayon. Sobrang nakakahiya. Nakakahiya ang pulis, ang media, lahat! Ayaw ko ng idiin pa dahil alam kong sawang-sawa na kayo sa balita mula umaga hanggang gabing-gabi. Basta nakakainis na nakakahiya! Si Rolando Mendoza ay isang mamang pulis na nasa pagitan ng katinuan at kabaliwan. Malamang ay depressed dahil sa dami ng kanyang problema. At bagkus na ibsan ang nararamdaman niya, eh lalo pang pinalala ng mga negotiator, pulis at media! Basta silang lahat ang may kasalanan dyan!
Salamat na lang at kahit papaano ay nakalimutan ko ang pagkainis ko ng mapanuod ko si Venus Raj. Anong reaction ko sa kanyang sagot? Hmmm. Sa totoo lang, nakulangan. Nung una eh parang walang laman. Pero nung inulit-ulit ko ay saka ko na-gets ang gusto niyang sabihin. Yun lang, one-time lang siguro pinakinggan ng judges ang sagot niya. Kaya hindi sila natuwa. Gayunpaman, siya ang nagpailaw nung minsang madilim dito sa Pilipinas. Mabuhay ka Venus!
Ang bawat tao ay umaasang ang mga pulis ay igagalang ang karapatan ng bawat bilanggo, gaya ng pag-asang mahahandle nila ang sitwasyon ni Rolando Mendoza at ng mga hostage. Marami din ang umasang masasagot ni Venus Raj ang sagot at maiuuwi ang korona. Ngayon, masasabi mo bang hindi mo dapat ma-meet ang expectations ng ibang tao?
Kung magkakanya-kanya tayo, malamang ay mas maraming pulis ang manghihila ng pututoy ng holdaper, mas maraming hostage drama ang mauuwi sa trahedya, mas maraming taga-media ang walang pakundangang magbabalita para lang sa ratings at scoop, at maaring maulit ang panghihinayang sa Miss Universe.
Simple lang ang gusto ko puntuhin, we are expected to act according to the roles we play at home, at work, at our age or for our country. Kung anak ka, expected ka na magaalaga sa magulang mo. Kung estudyante ka, expected na mag-aaral ka. Kung pulis ka, expected na igagalang mo ang mga karapatang pantao. Kung taga-media ka, expected na magbabalita ka ng totoo ngunit nasa wastong paraan. Kung presidente ka ng Pilipinas, expected na ikaw ay may ginagawa ng mga panahong nasa krisis ang iyong bansa. Kung contestant ka ng Miss Universe, expected na ikaw ang nagrerepresenta sa Pilipinas laban sa iba pang mga bansa. Kung Pilipino ka, expected na ipaglalaban mo ang lahi mo.
Siguro, kaya hindi rin tayo umuunlad. Dahil hanggang ngayon ay gumagalaw pa rin tayo sa kanya-kanyang paraan. "Buhay ko to eh, wala kang pakialam!" Yung ganyang mentality? Kalahi mo na nga, dina-down mo pa. Hindi ba mas maganda kung instead na idown eh tutulungan mo ang isa tapos siya ay tutulong din sa iba? Hanggang sa lahat eh nagtutulungan na. Pakiramdam ko mas maganda yun.
+++++
On a lighter note...
Sorry dahil ngayon lang nakapagupdate. Sobrang busy. Pasyente at application. Last weekend, kinailangan ko mag discern dahil bumagsak ako sa 2nd fitness test ko. Nakakalungkot. Pakiramdam ko hindi ako para doon. Pero binigyan ako ng 3rd chance. Salamat kay sergeant. Ayun, nag 3rd take ako noong Tuesday at yun na nga... Pasok sa banga! Magsisimula ang training sa Sept 4. Hayayay! Hindi ko akalain na ambilis! Kailangang magdasal ng madami at magpalakas ng madami. Naalala ko, last month nung sinimulan ko ang blog na to eh puro ako reklamo. Pero ngayon, eto nagkakadirection na ulit ang buhay ko. Haha. Hindi ko to ineexpect! Haha
Ang saya! Hahaha!
7 Nagpatay-sindi:
oo nga, di natin sila bati. and let's condemn media for not apologizing! tee hee
anyways, I am fly now. thaaanks ng major. LOL
may tama nga sa mga sinabi mo.kailangan natin maging maingat sa kilos natin. dahil lahat tau ay may pakialam sa bawat isa. iyon ang totoo, we are run by norms from the very start..somehow, people are really intertwined sa koneksyon na iyon...
congrats pumasa ka na..
http://bucosalad.blogspot.com
slaamt sa pagdalaw.
Omaygad! Nung isang araw muntik n din akong maholdap...hindi ko alam na sinusundan n pala ako habang naglalakad sa kahabaan ng kalsada...buti na lang nakaramdam ako at tumawid ako sa kabilang kalsada bago pa man ako maabutan ng mugger...nakita ko kung paano niya itinago sa kaniyang bulsa ang maliit na kutsilyo nung makaalpas niya sa akin...I'm so blessed...
Congrats! : )
expectations ruin the hopeful soul. :p
sang-ayon ako sa madami sa mga sinabi mo lalo na dun s amga bagay na
patungkol sa llipunan at pag ka-pilipino natin.
sana mawala na din ang sisihan at matuto tayong mga pinoy na magkaron ng paninindigan at visions para sa panalong kinabukasan. hehe.
ako man ay naholdap non. natutukan ako ng icepick sa dibdib at baril sa ulo kaya alam ko ang pakiramdam nang nahoholdap. :(
traumatic yan holdap nayan... wag naman sana mangyari sa akin.
good luck sa training... :D
very true... kaya nga dba your freedom ends when you end someone else's freedom... kumbaga, konektado tayong lahat and we all have our own certain roles. lahat ng galaw natin, kelangang maingat tayo kasi bawat kilos, may naaapektuhan.
if people cared more, peace shall be attained. :)
@yas: Haha! Nice to know you're up! :D Wag natin silang pansinin. HAHA
@rico: Salamat sa pagsang-ayon! :D
@jag: buti at may presence of mind ka! ingat ingat!
@bulitas: mas nakaka-trauma yung sayo! buti at hindi pinutok! mga walang hiya talaga ang holdaper na yan. Mga salot ng lipunan! sang-ayon din ako sa sinabi mo.
Hanggang ngayon, nagtuturuan pa rin sila dito. pero may umamin na ng kasalanan. pero parang unfair na isa lang siyang umamin.
@marco: ipagdasal natin yan! :D
@traveliztera: sang-ayon ako sa last line mo. pang-stat sa facebook! haha (pa-autograph! hahaha)
Post a Comment