July 1st
>> Friday, July 1, 2011
July 1 na. Wala lang.
Naalala ko last year nung inumpisahan ko 'to. July din. Napaka-walang kwenta ng buhay ko. Seriously. Parang everyday nung time na yon eh wala akong ibang ginawa kundi umisip kung ano na ang gagawin ko sa hinaharap. Basta napaka-frustrating.
Ibang-iba sa kinalalagyan ko ngayon.
Nakakatuwang isipin na sa pakiramdam ko ay "naka-recover " na ako sa kung anong kumunoy na pinaliliguan ko dati. At ayaw ko na bumalik dun. As in.
Pero ano na nga ba pinagkaiba nung ngayon at nung nakaraang taon?
Una, may matino na akong trabaho. Hindi lang yon. Yung dating trabaho ko eh sideline ko na ngayon. (Hello income? :))
Pangalawa, may DSLR na ako. Ito ay dating suntok sa buwan! (Pero ngayon parang inaagiw na. Kailangan ko na ulit lumabas at magpicture!)
Pangatlo, namumuhay na ako mag-isa. total independence!
Pang-apat, nabibili at nagagawa ko na lahat ng gusto ko. Kasama na dun yung camera syempre, pamamasyal kung saan, sine everyday, lahat na! Kulang na lang mag-droga ako. Hahah. Pero di ko yun gagawin ah.
Pang-lima, eh nakakapagbigay na ako sa parents ko. Yun naman ang isa sa pinakaproblema ko dati. Ngayon alam kong may silbi na ako at hindi pabigat sa lipunan.
Pero kahit na ganto, hindi parin nawawala sa isip ko na hindi ako aabot ng 25. Hindi ko pa kasi "na-eexplore" yung aking cardiac problem. Pero hindi na yun big deal. Hindi ko na nga iniisip eh.
Yun na actually ang mentalidad ko ngayon: ang bawasan ang pagiisip. Mas madaling ma-appreciate ang buhay kung hindi gaanong nag-iisip.
Wala na akong maisip kaya tatapusin ko na to. Hahaha
Happy weekend at new month! Konti na lang pasko na uli. :D
2 Nagpatay-sindi:
nice, atlist db malaki na ang improvement.. in one year ang laki na ng na achieve mo. hehehe.. ano bng work yan? ahem ahem bka pwede mo ko maipasok jan. hahaha..
about sa help mo, may nabbasa akong book sabiaraw araw daw isipin mo na magaling ka na. ^_^..tapos yun magaling ka na talga. mnd over matter
Yeah. :D Ganun na nga ang ginagawa ko. Tsaka syempre healthy living. Hehe. Apir!
Post a Comment