Pulutan
>> Wednesday, February 16, 2011
Isa sa pinakamasayang feeling ay ang kumain ng may kasama. Yung may kakwentuhan. Pero hindi ibig sabihin nun eh ayaw ko na kumain ng solo ah. Masarap lang na may kausap ka at kapalitan ng diwa habang ngumangasab ng pagkain.
Last week ay bago ang mga kasama ko sa hapagkainan. Mga mas senior sa akin sa trabaho. Ngiti-ngiti lang ako. Sagot kapag tinatanong. Nakikiramdam. Ang napansin ko lang, silang lahat eh may tinatagong reklamo. Reklamo sa mga kasamang di kasama sa hapagkainan. Okay lang naman na maglabas ng mga grievances and all. Pero diba? Iba na kapag everyday ganun? Tapos everyday mo pa mapapansin yung mali nung pinupulutan niyo.
Nakakawalang gana! Kung may problema naman kasi eh pwedeng magsabi. Hindi yung puro patalikod kung tumira.
Minsan mas gusto ko na lang kumain mag-isa. Kaso pag ginawa ko yun, baka ako naman ang pulutanin.
3 Nagpatay-sindi:
tama ka.. kung araw araw ay magsisiraan sila, walang mangyayari. pero ganun ata talga ang buhay eh, ang hirap ipulutan. hehe
kabadtrip kasama mga ganung tao... d mo alam kpg d k nila kasama eh ikaw pinaguusapan at sinisiraan...
@mamang drayber: tinaggap na kasi ng karamhihan na ganyan talaga. so ayan, walang nagbabago.
@fussion: sinabi mo pa. ano naman kaya pinaguusapan nila tuwing wala ako?
Post a Comment