Powered by Blogger.

Job Description

>> Thursday, February 17, 2011

The hospital where I work at is currently rushing for the PhilHealth Accreditation due on the first week of march. Part of which is to provide a list of ALL positions in the hospital with their corresponding job descriptions.

Good thing, hospital has no document regarding the issue and I have something to do! (*insert sarcasm here)

Since I am part of the Admin Office (though I am a PT), I was tasked by the boss to present a list of positions with their duties and responsibilities. Nakaka-drain palang gumawa nito. I'm now on the 7th page. (Pero font size 12 naman). Ang hirap i-detail ng trabaho ng bawat isa. Mas madaling gawin na lang. Hehe

Anyway, since ako ang PT, ako din ang gumagawa ng duties at responsibilities ko. Naisip kong dagdagan. Yung tipong "suggest and recommend upgrading of PT section equipments" tapos lalagyan ko yung sa boss ko ng duty na "approves ALL recommended upgrades in the hospital" para madali nalang sa part ko kapag nanghingi ako ng budget. Hehehe. (tsaka para malaman ko din kung binabasa niya ang trabaho ko. bwahaha)

Siya sige, break lang to. At ako eh drain na drain na talaga. Ititigil ko na to at magkakape nalang hanggang mag-uwian. :)

Read more...

Pulutan

>> Wednesday, February 16, 2011

Isa sa pinakamasayang feeling ay ang kumain ng may kasama. Yung may kakwentuhan. Pero hindi ibig sabihin nun eh ayaw ko na kumain ng solo ah. Masarap lang na may kausap ka at kapalitan ng diwa habang ngumangasab ng pagkain.

Last week ay bago ang mga kasama ko sa hapagkainan. Mga mas senior sa akin sa trabaho. Ngiti-ngiti lang ako. Sagot kapag tinatanong. Nakikiramdam. Ang napansin ko lang, silang lahat eh may tinatagong reklamo. Reklamo sa mga kasamang di kasama sa hapagkainan. Okay lang naman na maglabas ng mga grievances and all. Pero diba? Iba na kapag everyday ganun? Tapos everyday mo pa mapapansin yung mali nung pinupulutan niyo.



Nakakawalang gana! Kung may problema naman kasi eh pwedeng magsabi. Hindi yung puro patalikod kung tumira.




Minsan mas gusto ko na lang kumain mag-isa. Kaso pag ginawa ko yun, baka ako naman ang pulutanin.

Read more...

Everything New

>> Saturday, February 12, 2011

Every event has a purpose and every setback its lesson. Failure, whether of the personal, professional or even spiritual is essential to personal expansion. Never regret your past. Rather, embrace it as the teacher that is. - Robin Sharma



Its been a long time! Ang naalala ko kaya di ako nakapagpost eh dahil ang hirap ng connection ng Smart Bro sa area ko nung January. Sinabi ko ng sinabe na bukas, bukas bukas. Hanggang sa nakalimutan ko na.

Anyway, busy din naman ako last month. Maraming activity sa hospital. Naging graphic artist ako for a while, emcee, bodyguard ng VIP, errand boy, lahat na. Hindi ko lang nasubukan maging boss. HAHA.

Before I forget, lumipat na ako. I'm already here at Lucena (so kung meron sa inyong taga-Lucena dyan, i-message niyo ako at i-tour niyo ko dito. Hehe). Dito ko inassign. Mag 1 week palang ako this coming Monday and people here has been nice. They treat me like a BOSS. Hahaha. Except for the people high up there opkors! Dahil bagong mga tao, bagong pakikisama uli. (may ishashare ako RE: mga tao, pero bukas na lang. hehe)

Ang weather dito, malamiiig. Kainis nga, sa dami ng jacket ko sa bahay, ni isa wala akong nadala. May sarili din akong kwarto at CR. May kama at kutson. Pero wala akong cabinet. Para-paraan na lang. Ayun lang naman.

On my first week eh nakapag medical-dental mission na ako. Madami sila. Pero di overwhelming. Sakto lang. Nakakatawa yung iba kasi ang kukulit. Batam-bata daw ako. HAHAHA

Madami pang iba. Some better left unsaid. Hehe.

But here's what worth sharing. A friend gave me this book by Robin Sharma entitled, "The Monk Who Sold His Ferrari". It's about a lawyer who had a change of heart after a defining moment. Madaming insightful ideas. If you're a book lover, you better read it! :)

Ayun lang naman. :)

Read more...

Pang-Billboard

  © Blogger templates Romantico by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP