Powered by Blogger.

Masayang Post

>> Friday, September 3, 2010

Dahil masaya at nasa mood ako ngayon, ito siguro ang panahon na ipost ko ang 10 bagay o gawain na tunay na nagpapasaya sa akin. Hindi ko din alam kung bakit ako masaya. Hindi ko naman birthday. Siguro nakikiayon lang aking mood kasi malapit na magpasko! Yay!

1. Magpicture - Sa panahon ngayon, sino bang hindi natutuwa dito? (Aba! Pang-facebook din yan ano!) Pero higit pa sa mga "posing" ang gusto ko kunan. Mas natutuwa ako pag yung mga kuhang may istorya. (Hindi yung mga iskandal ah.) Yung may lalim. Yung mga larawan na nagpapakita ng pang araw-araw at ordinaryong buhay. Kaya mahal na mahal ko ang aking digicam!

2. Magphotoshop - Pagkatapos kumuha ng picture eh photoshop naman. (Pwede ding post-processing or kung gusto mo mas susyal sa tenga eh photomanipulation.) Ang saya magedit at mag-layout! Yung tipong aabutin ka ng 2-3 hours kakaikot at kakaulit para lang i-try lahat ng kaya mong gawin sa picture. Walang katulad ang "euphoria" pagkatapos ng lahat!

3. Maglakad ng malayo - Mag-isa o may kasama ay ayos na ayos to sa akin! Nageenjoy akong tumawid sa mga kalsada o di kaya'y sa mga tulay at hagdan. (wag mo nang i-imagine na nagbabalik-balik ako sa isang tawiran o panik-panaog sa hagdan. hindi ko yun ginagawa. okay?) Natutuwa akong tignan ang mga mukha ng nakakasalubong ko at yung mga bagay na nasa paligid ko.

4. Pulitika - Mula naman nung magkaroon ako ng subject na Araling Panlipunan nung hayskul ay kinasasabikan ko na ang topic na yan. Ang saya pagaralan ng mga bagay na may kinalaman sa kamalayan at diwang makabayan, mga karapatan at batas. Dahil dito eh madalas akong makibaka on-line o kaya'y makipagtalastasan sa mga kakilala kong mahilig din dito.

5. Manggamot - Mahal ko ang propesyon ko at ang aking mga pasyente. Nageenjoy ako tuwing ginagamot ko sila. Ako ang tipo na nagbababad sa loob ng treatment area at nakikinig sa mga kwento ng pasyente. Naniniwala ako na wala lang outlet ng sama ng loob ang ilang may sakit kaya sila nagkakasakit.

6. Magplano - Gusto ko ang proseso na nagiisip. Kaya gustung-gusto ko magplano. Na-surprise ko na ata buong barkada ko nung college dahil sa kakaplano. Pati mga get together eh pinatos ko na. Andyan yung nung nag-surprise graduation kami para sa isang kabarkada, at yung Christmas party. Basta enjoy ako dyan!

7. Magtravel - Masarap mag-aral sa kultura ng iba. Madaming bagong matututunan! Natutuwa akong maligaw sa isang lugar. Seryoso! Pero dapat may pera ah. Para makakapag-taxi ako. Haha. Di. Syempre kung walang oras na kalaban eh okay lang sa akin na maligaw talaga.

8. Magserve - Eto yung isang bagay na namimiss ko na gawin talaga. Dati kasi sobrang active ako sa simbahan. Namimiss ko magsuot ng sutana (kung saan poging pogi ako) o di kaya eh magbasa at marinig ang boses sa buong simbahan (sabay may lalapit at sasabihin na ang ganda-ganda ng boses ko). Pero higit dyan,namimiss ko na yung mga activity sa simbahan. Parang ang stagnant ko na kasi when it comes to my faith.

9. Kumain - Well, parang pagpapapicture lang yan kung tutuusin. Natutuwa akong kumain ng mga bagong pagkain! Swerte ko pa kasi hindi ako tabain na tao. Kumbaga, mabilis ang aking metabolismo! Haha

10. Magsayaw at Kumanta - Hindi naman ako magaling sa mga bagay na yan ngunit hindi rin naman ako pahuhuli. Kinakanta ko ang Bed of Roses sa videoke at wala akong pakialam sa mga nakikinig. Haha! Para saan pa yung pagkanta ko sa banyo kung di ko gagamitin no! Hahaha!

Ayan. Hindi yan naka-arrange ah. Yan ang mga bagay na tunay na nagpapasaya sa akin. Karamihan eh may kinalaman sa happy-happy! Hahaha!

So paano, dapat ko bang sabihing "Will you make me happy?" Hahaha!

+++++
Okay. Bago mo yan sagutin, eto yung isang bagay na nagpasaya sa akin:



Galing ako dyan kahapon. Ika-3 thursday na. Nagbabalik ako mula last year. Kumpleto rekados yan: maglakad ng malayo, magtravel (kasi Pasay pa ako tas malayong Maynila yan), magpicture at photoshop, magserve (well serve din na siguro yan), at kumanta! Hahaha! Kung may gusto ka ipadasal eh sabihin mo lang sa akin. :D Yung training ko pala, na-move tentatively. Blessing in disguise na din siguro kasi kelangan ko pa talaga magpalakas! Tsaka may-cheerdance pa sa September 12! Dapat ako makapanuod dun!

Read more...

Pang-Billboard

  © Blogger templates Romantico by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP